Category Archives: Rudy Elijah

PAG-IBIG


By: Rudy Elijah

Isang araw ako ay napatingin
Kagandahan na ‘di ko akalain,
Ako ay napasulyap at napatitig
Sa isang dilag ako ay napaibig.

Puso ko ay tumibok, kinabahan
Pabilis ng pabilis ‘di namalayan,
Ano itong nadarama sa nakita
Dilag hindi ko maintindihan ‘ata.

Ngiti nya ay parang cotton candy
Matamis-tamis at masarap palagi,
Hanap-hanap at gustong kainin
Walang kapantay aking nanaisin.

Mukha nya ay parang si Barbie
Mala-anghel ang aking masasabi,
Sana sa isip ko ikaw ay mapawi
At ng hindi na hanapin at masawi.

Pag-ibig sa dilag na ‘di ko kakilala
Sa puso at isipan laging inaalala,
Gusto ko sanang makalimutan ka
Pagkat ang isip ko’y litong-lito na.

Nakakagulat ka balaang Pag-ibig
‘Di ko namalayan ako ay nakabig,
Sa iyong pagdaan sa aking puso
Sana bukas ay ‘wag kang maglaho.